Hog industry sa bayan ng Sagñay, nakakarekober na

NAGA CITY—Nakakarekober na umano ang hog industry sa bayan ng Sagñay Camarines Sur matapos ang pananalasa ng African Swine Fever sa mga karatig bayan nito.

Ito ang inihayag sa isang panayam ni Mayor Jovi Fuentebella.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aniya, marami ng mga tao sa lugar ang nagsisimulang mag-alaga ng mga baboy sa kanilang mga bakuran dahilan upang bumaba ang presyo ng karne sa merkado publiko.

Bagamat, napapanatili nilang ASF free ang bayan, ay hindi pa maaaring magpalabas at magpapasok ng buhay na baboy dahil hindi pa naidedeklara ng Department of Agriculture na tuluyan na ngang ligtas sa naturang sakit ang buog lalawigan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan, mahigpit parin ang pagbabantay sa mga nakalatag na mga ASF Checkpoints sa limang entry at exit point ng Sagñay.