Dumating ngayong hapon sa Malacañang si Vatican Secretary for Relations with States of Holy See and International Organization His Excellency Archbishop Paul Gallagher, para sa courtesy call kay Pangulong Bongbong Marcos.
Bilang tradisyon ng mga dumadalaw sa Palasyo, lumagda rin ito sa guest book ng Malacañang.
Ang pagbisita ng Archbishop ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Pope’s Day.
Maliban naman sa courtesy call sa Palasyo, nakipag pulong na rin ito kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Bukas naman tutungo ang Arsobispo sa Malaybalay, Mindanao, upang makibahagi sa Plenary Session ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP.
Tatapusin ng Archbishop ang pagbisita sa Biyernes, at makikibahagi sa conference sa Foreign Service Institute sa Maynila.