Tahasang sinabi ng isang petitioner, advocate at propesor na ilegal ang hindi pagbibigay ng government services sa mga unvaccinated individual versus covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makarating sa kanya ang reklamo ng isang senior citizen sa Puerto Princesa na hindi nakuha ang Birth Certificate ng kanyang anak sa pagpunta nito sa Philippine Statistics Authority.
Ayon kay Professor Nicanor “Nick” Perlas, Chief Researcher COVID Call to Humanity, labag sa batas ang hindi pagbibigay ng serbisyo sa mga taong hindi bakunado at halimabawa nito ay ang pagkuha ng birth certificate.
Kinontra din nito ang pahayag na sinusunod lamang ng mga government offices ang kautusan ng Inter-Agency Task Force For The Management Of Emerging Infectious Diseases.
Iginiit ni Professor Perlas na tapos na ang National Emergency makalipas ang anim na buwan kaya ang LGU ay may karapatan umano na maglabas ng executive order.
Pinayuhan ni Professor Perlas na pormal na magreklamo sa government office ang sinumang makaranas ng pamimilit na magpabakuna, labag raw ito sa revised penal code.
Samantala, iginiit nito na base sa pag-aaral ay walang pinagkaiba ang mga nabakunahan sa hindi nabakunahan at sa katunayan pa ay mas maraming namatay na vaccinated individual sa virus.