Nakapagtala ang Department of Health ng higit sa 900 mga bagong kaso ng omicron subvariants sa bansa.
Sa Media Forum, sinabi ni Health Undersecretary Beverly Ho na sa latest sequencing, 890 na mga bagong kaso ng BA.5 ang na-detect.
823 sa mga ito ang naka-recover na habang 31 ang nananatili pa sa isolation.
Lahat ng mga rehyon sa bansa maliban sa SOCCKSARGEN at BARMM ay nakapagtala ng mga BA.5 cases.
Samantala, 18 naman ang mga bagong kaso ng BA.4.
17 sa mga ito ang gumaling na; 13 ang fully-vaccinated, habang ang nalalabing infected individuals ay bineberipika pa.
15 naman ang mga bagong BA.2.12.1 cases kung saan, 15 na ang mga nakarekober.
Sa huli, muling tiniyak ni Ho na nananatili pa rin sa low-risk classification ang COVID-19 situation sa bansa.
#