Higit P2M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Kahon-kahon na mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska sa Camarines Sur, tinatayang aabot sa mahigit dalawang milyong piso ang halaga nito.

Ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Camarines Sur ang buy bust operation matapos na mabatid ng kompanya ng isang kilalang brand ng sigarilyo na may nagbebenta sa Camarines Sur ng parehong produkto na gamit ang pangalan ng kanilang brand na umano’y peke at smuggled mula pa sa Davao Region.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Ala-1:30 ng madaling araw nitong Biyernes matagumpay ang operasyon sa Palestina, bayan ng Pili, Camarines Sur. Sa Oplan “MEGA SHOPPER” naaresto si “Bayani”, 44-anyos ng Bula parehong lalawigan. Nakumpiska ang 35 kahon ng mga sigarilyo na may iba’t-ibang brand.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Rights Code of the Philippines), RA 10643 (An Act To Effectively Instill Health Consciousness Through Graphic Health Warnings On Tobacco Products) at R.A. 10863 “Custom Modernization and Tariff Act”