Higit P1M halaga ng shabu, nasamsam sa Laguna

Umabot sa mahigit P1 million na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Macatad, Siniloan, Laguna.

Kinilala ng Siniloan Municipal Police Station ang suspek na si Ronald Allan Cruz Florez, alyas Ompong, 51 anyos at residente ng Brgy. Macatad, Siniloan.

Read More:  Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental

Ayon kay P/Col. Cecilio R Ison Jr ng Siniloan MPS, narekober mula sa suspek ang 11 sachets ng iligal na droga na tinatayang may timbang na 150 gramo at umaabot sa halagang P1,012,500.00.

Nakuha rin mula sa suspek ang 2,000 pesos na marked money.

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni Col. Ison Jr. na iniimbestigahan na nila ang posibilidad na miyembro ng malaking drug group ang suspek na nag-ooperate sa Laguna.