Higit 700 indibidwal, lumahok sa 2024 stakeholders forum ng DENR-MGB

Umabot sa kabuuang 707 na indibidwal mula sa iba’t ibang mga sektor ang lumahok sa 2024 Stakeholders Forum ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas dumami rin ang kalahok ngayon mula sa dating 656 participants.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kabilang sa mga kalahok ay nagmula sa mga sektor ng Academe, Mining Companies, National Government Agencies, Non-government Organizations, Media, at iba pa.

Samantala, sa naging testimonya ni Mary Joy Lazala, isang former scholar ng mining company, totoo pala aniya na mayroong mga paraan na maaaring gawin ang isang kumpanya upang mapangalagaan ang kalikasan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya, sa pamamagitan ng responsableng pagmimina ay marami itong mabebenepisyuhan.

Nagsimula kahapon, ika-25 ng Hunyo ang Forum kung saan nauna nang nagbigay ng updates ang isang mining company mula sa Dinapigue, Isabela.

Magpapatuloy ngayong araw, ika-26 ng Hunyo ang iba pang mga sessions sa Casa Jardin, Santiago City.