‘Silent pandemic’: Brigada Mass Media Corp, isinusulong na matuldukan ang stunting o pagkabansot

Matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng Brigada Mass Media Corp sa isa sa mga adbokasiya nito na Anti-Stunting.

Kaugnay nito, nasa 2400 na mga benepisyaryong nanay at 3840 mga bata ang nakilahok sa naturang aktibidad.

Kabilang sa mga serbisyo ipinaabot ay ang libreng konsultasyon para sa mga buntis, feeding program at pamamahagi ng medical kits para sa mga matatanda at YummyVit supplement para sa mga bata.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ang pagkabansot o stunting ay isang worldwide phenomenon na nakakaapekto sa mga pamilya na karamihan ay mula sa poverty-stricken communities, at itinuturin din ng World Health Organization na silent pandemic.

Alinsunod sa tagline ng Brigada na “In The Heart of Changing Lives” na inilunsad ang naturang programa na naglalayon na paigtingin ang kamalayan sa negatibong epekto ng stunting, at magbahagi ng mga kaalaman na may kinalaman sa wastong nutrisyon upang maiwasan ito.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Bahagi ito ng matagal nang tradisyon ng Brigada sa social entrepreneurship at business approach ng kumpanya upang bumuo at pondohan ang solusyon na direktang tumutugon sa partikular na isyung panlipunan.

Samantala, kasabay ng paglulunsad ng naturang adbokasiya, ay ang kaarawan din ni Brigada Group Vice Chairman Yelcy Yasay Catulpos.