Natapos ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang athlete career transition sports ethic and integrity court sa KU Leuven sa Belgium.

Ayon sa atleta, lumalim pa lalo ang pagkakaintindi niya sa sports ethics good governance and gender equality safe guarding at sustainability. Natuto aniya siya sa iba’t ibang olympian na galing sa iba’t ibang bansa at mga eksperto sa nasabing kurso.
Sinabi ni Diaz na gagamitin niya ang kaniyang mga natutunan sa future ng Philippine Sports.