Harris at Trump, nagkasalubong sa North Carolina sa huling araw ng kampanya

Dumating si Democrat Kamala Harris sa North Carolina kung saan sinalubong ito ng private airplane ni Donald Trump na nagpakita ng kanilang magkasanib na kampanya sa estado.

Ito na kasi ang ikaapat na araw na nagkakampanya ang dalawang kandidato sa parehong lugar.

Ayon sa ulat, nagdaos si Harris ng rally kasama si Bon Jovi habang nagkampanya naman si Trump sa Gastonia.

Sa kanilang mga talumpati, ipinahayag ni Trump ang kanyang plano na magde-deport ito ng milyon-milyong immigrants.

Habang binalaan naman ni Harris ang publiko tungkol sa posibleng pang-aabuso ni Trump sa kapangyarihan kung siya ay makakabalik sa White House.

Samantala, mahigit 72 milyong Amerikano na ang bumoto sa kasalukuyan at umabot na sa 4 milyong boto sa North Carolina.