Hardware tinupok ng apoy

TINUPOK ng apoy ang ASG Hardware sa bahagi ng Sittio Grotto, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kagabi.

Sa panayam kay Maguindanao Provincial Fire Director Sr.Insp. Ronald Ampang, nagsimula ang nasabing sunog bandang alas 6:20 ng gabi kung saan ay dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy ay halos wala ng natira sa nasabing hardware.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga ito ay tinatayang nasa 800,000 hanggang isang milyong piso ang iniwang danyos ng sunog pero ito ay maaari pang mabago.Wala namang tao sa loob ng nasabing hardware ng naganap ang sunog.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa nito ay nasa lima hanggang anim naman ang rumespondeng fire truck upang maapula ang apoyNaging katuwang naman ng BFP DOS ang BFP Cotabato, Chinese Volunteer, MILG BARMM at ang OCM Sub Station Inaalam pa sa ngayon kung ano at saan ang pinagmulan ng apoy.