Halos 30 senior citizen sa Pampanga, nakatanggap ng one-time senior cash incentive award

Nasa dalawampu’t walong senior citizen edad 95 pataas ang nakatanggap na ng 100 thousand pesos bawat isa sa ilalim ng One-Time Senior Citizen Cash Incentive Award ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

Si ginanap na awarding activity sa New Legislative Building ngayong Lunes, personal na binisita nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda ang mga naturang senior citizen.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bukod sa insentibong pinansiyal, nakatanggap din ng sertipiko ng pagkilala ang mga senior citizen sa bisa pa rin sa Provincial Ordinance No. 683.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito ay isang paraan umano ng pamahalaang panlalawigan ng pagpapahalaga sa naging makabuluhang kontribusyon ng mga senior citizen sa kani-kanilang mga pamayanan.