Halos 2M nakalaang pondo para sa 2021 LSG ng DSWD Region 3

CENTRAL LUZON- Umaabot ng mahigit 1.9 million pesos ang nakalaang pondo ng Department of Social Welfare and Development Region 3 ngayong 2021.

Ito ay para sa Livelihood Settlement Grants o LSG, ang programang nagbibigay ng financial assistance para sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa pamahalaan.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Base sa datos ng kagawaran, mayroong 84 na mga dating rebelde ang inaasahang magbabalik loob ngayon habang tatlumpong benipisyaryo naman ang posibleng makatanggap rin ng tulong pinansyal mula sa mga Community Vulnerable areas sa rehiyon.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Sa pamamagitan ng ganitong programa ay matutulungan ang mga ito na makapagsimulang muli sa buhay kasama ang mga pamilya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Screen grab from DSWD FO3 video

May be an image of 1 person and text