Mahigpit na umiiral ngayon ang gun ban o ang suspensyon sa pagpapalabas ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa Marawi City.
Ito’y kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng tatlong magkakasabay na plebisito para pagtibayin ang paglikha ng 3 bagong barangay na tatawaging Sultan Corobong, Sultan Panoroganan at Angoyao.
Ang gun ban ay nagsimula noong February 18 at magtatagal hanggang March 16.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, kahapon ay nagsagawa ng command conference kung saan ay tinalakay ang mga gagawing hakbang para sa plebisito
Siniguro rin ni Fajardo ang kahandaan ng PNP sa paglalatag ng seguridad At sinabing may sapat silang mga tauhan para ipakalat sa nabanggit na lungsod.