GSIS membership at government employment ang mga atletang Pilipino, isinulong sa Kamara

Inihian sa Kamara ang isang panukala na layong mabigyan ng ‘government career path’ ang mga atletang Pilipino.

Sa ilalim ng House Bill 4654 o ang ‘Lydia de Vega Act of 2022’, sinabi ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos na nararapat lamang nakilalanin ang mga kontribusyon ng mga pambansang atleta na kung ituring ay mga ‘modern-day heroes’.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa oras na maisabatas – bibigyan ng option ang mga national athletes maging ang kanilang mga coach na maging mga regular na empleyado ng gobyerno.

Dahil dito, makatatanggap din sila ng mga benepisyong natatamasa ng mga government employees.

Pasok din sila bilang mga miyembro ng Government Service Insurance System o GSIS kaya naman makakukuha rin ang mga athletes and coaches ng mga retirement benefits.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maliban pa rito, ang sinomang atletang kinuha ang civil service option na mananalo sa mga international competitions ay makatatanggap ng P3,000 na allowance sa loob ng isang taon.

Ayon kay delos Santos, pangunahing layunin ng panukala na mabigyan ng dignidad ang mga atleta.

Sa ganitong paraaan aniya ay mararamdaman nilang kinikilala ng gobyerno ang kanilang pagsusumikap para sa paguuwi ng mga karangalan para sa Pilipinas.
#