Grupo: ‘victory’ para sa press freedom ang pagkakaabsuwelto ng Rappler sa tax evasion

Inilarawan ng ilang grupo ang pagkakaabsuwelto ni Nobel Laureate Maria Ressa at Rappler Holdings Corporation sa tax evasion bilang panalo para sa press freedom.

Mababatid na pinaboran ng Court of Tax Appeals First Division si Ressa at Rappler laban sa apat na mga kaso ng tax evasion, dahilan para tapusin na ang mahigit apat na taong paglilitis para sa naturang kaso na nagsimula noong 2018, na inihain ng Department of Justice sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028
Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ayon kay Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, natutuwa din sila na walang nakita ang Court of Tax Appeals na basehan para sa naturang mga kaso.

Nanindigan din ang grupo na ang naturang charges ay bogus at politically motivated.