Grupo, sinabing hindi kailangan ng hybrid seeds para makamit ng bansa ang rice self-sufficiency

Tinawag na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas mas mas disadvantageous kaysa nakakatulong ang plano ng national government na i-maximize ang paggamit ng hybrid seeds.

Ayon kay KMP Chairman emeritus Rafael Mariano , para sa mga Pilipinong magsasaka, hindi umano kailangan ng hybrid seeds para makamit ng bansa ang rice self-sufficiency.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Sinabi ni Mariano, isa sa mga disadvantage nito ay ang  “genetic uniformities,” kung saan mas malaki aniya ang malulugi kung tatamaan ng peste, o virus ang mga sakahan. Mas mahal rin aniya ang hybrid seeds, kaya’t mababaon din umano sa utang ang mga magsasaka.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Dagdag niya, mas alam umano nilang mga magsasaka a kung anong binhi ng palay ang matatag, hindi madaling dumapa at lumalaban at hindi kayang pasukin ng mga sakit.

Matatandaang, target ng hybrid seeds program ng national government ang produksyon sa Panay, Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN, at BARMM.//CA