Grupo ng mga negosyante – naniniwalang ‘reasonable’ naman ang P35 wage hike sa NCR

Kasabay ng sunod-sunod na pambabatikos sa dagdag-sahod na P35 para sa mga workers ng private sectors sa Metro Manila, nanindigan naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry na ‘reasonable’ na ang naturang umento.

Ayon kay PCCI president Enunina Mangio, nakababahala para sa iba nilang miyembro ang P35 wage hike.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Pero sa kabila aniya ng mga negatibong komento hinggil sa wage increase, tiniyak ni Mangio na committed naman ang mga employers na sumunod sa bagong minimum wage na itinakda ng Regional Tripartite and Productivity Wage Boards.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Naniniwala si Mangio na fair lang ang inaprubahang dagdag-sahod, lalo na kung ikukumpara sa unang iminungkahi na P100 raise na magiging mabigat naman para sa mga employers.

Win-win decision na umano ito para sa mga employers at workers.