Grupo ng mga health workers, may panawagan sa gobyerno

Nanawagan ang Alliance of Health Workers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na dinggin ang kanilang hiling na ibigay ang pinangakong pondo.

Ayon kay Philippine Heart Center Employees Association and member AHW president Salome Ejes, ang kailangan nila sa ngayon ay aksyon mula sa gobyerno.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kung maaalala sinabi ng pangulo sa kanyang State of Nation Address na ibibigay niya ang mga ang allowance at benespisyo para sa mga healthcare workers.

Tugon naman ni Ejes, ilang beses na silang pinangakuan ng gobyerno ngunit hangang ngayon ay wala pa ring nangyayaring pag-usad sa naturang pondo.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Dagdag pa niya, binago lang ng pangulo ang healthcare protocol sa bansa ngunit ang allowance para sa mga medical workers hindi pa naaayos.