Grupo, nagbabalang magpapalala ng mental health crisis ang mandatory ROTC

Nagbabala ang alliance of student councils sa epekto ng isinusulong na mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC lalo na sa mental health ng mga estudyante.

Sa isang pahayag , sinabi ni National Union of Students of the Philippines National President Jandeil Roperos, nakakaalarma ang long -running mental health crisis sa mga paaralan.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

Binigyang-diin niya ang na pagpapatupad nito ay gagawin umanong breeding grounds para sa mga military paws na nakakasama sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Read More:  House summons Zuckerberg over social media safety

Nakatakda na ngayong araw ang deliberasyon ng panukalang batas sa Senado, gayunpaman ikinalungkot ni Roperos na hindi pa sila nakakatanggap ng imbitasyon para maging bahagi ng talakayan.

Dahil dito, nanawagan ang NUSP sa mga  kabataang Pilipino na huwag hayaang maipasa ang panukalang batas.