Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng Haven for Distressed Women, Children and Home for the Aged, isinagawa sa lungsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng Haven for Distressed Women, Children and Home for the Aged ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Estanza lungsod ng Legazpi nito lamang nakaraang araw.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, DPWH Regional Director Virgilio Eduarte, Punong Barangay Danilo Agripa ng Estanza, House Committee of Appropriations Chairperson Elizaldy Co at iba pang mga opisyal ng Barangay at ahensya ng gobyerno.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Ayon kay Laurio, ang nasabing pasilidad na ito ay isang pivotal milestone na magbigay ng santuwaryo at suporta para sa mga nangangailangan ng mga kababaihan at mga batang nasa kagipitan.

Maliban pa rito, mayroon din pinapatupad na programa si DSWD Sec. Rex Gatchalian na Oplan Pag-Abot kung saan ang bawat street families ay nagkakaroon ng intervention program at bibigyan umano ng pangkabuhayan kung saan ay maaari silang kunin ng nasabing pasilidad.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Ayon naman kay Co, ito rin ang nasabing kauna-unahang pasilidad ay magiging venue para sa empowerment at healing.

Ayon din kay Eng Nazar Solidad ng DSWD, target na maging operation ang pasilidad sa taon 2026 kung saan mahigit 100 na mga benepisyaryo ang maaaring ipasok sa center.