Grand Parade naghihintay para sa Bicolanang kinoronahang Mutya ng Pilipinas – Tourism International

NAGA CITY – Nagpaabot na ng pagbati ang ilang mga opisyal ng Pasacao, Camarines Sur para kay Bb. Jeanette Reyes, siya ang kinoronahang Mutya ng Pilipinas – Tourism International 2022.

Ayon kay Municipal Mayor Jorge Bengua, isang karangalan at inspirasyon ang pagkapanalo ni Bb. Jeanette, malaking impact aniya ito para mas mapromote pa ang turismo sa bayan lalo na’t lalaban pa ang dalaga at irerepresent ang Pilipinas sa ibang bansa bilang Miss Tourism International na pinaghahandaan na rin ng Lokal na Pamahalaan bilang suporta.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa pag-uwi naman ni Bb. Jeanette sa bayan, isang Grand Parade, ang inihanda ng LGU.

Sagot ng binibini sa final Question and Answer portion: kung kaya niyang pagalingin ang mundo, ang unang bagay na dapat gawin ay ipaalam sa mga tao kung ano ang tunay na mahalaga iyon ay ang pamilya na pahalagahan ang bawat sandali at mabuhay.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Itinanghal din si Mutya ng Albay Janna Eloisa Galan Lanuzga bilang Mutya ng Pilipinas 2022 Best in Talent.

Kasama rin sa mga naging kalahok sina; Mutya ng Pilipinas Sorsogon – Jaya Jarabejo, Mutya ng Pilipinas Catanduanes – Jessica Holz at Mutya ng Pilipinas Camarines Norte – Janine Ahmad.

Isa ang BNFM Naga sa naging katuwang ng Mutya ng Pilipinas- Bicol sa paghahanap ng mga kandidata.