Grade 7 student, nagpaputok ng baril sa loob ng paaralan sa Dumaguete City

Nagpaputok ng caliber .45 na baril ang isang grade 7 student sa loob ng paaralan sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Base sa imbestigasyon, itinutok ng 12 taong gulang na estudyante ang baril sa bintana ng silid-aralan at pinaputok ito.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Ayon kay Police Major Fortunato Villafuerte, inaalam na nila kung sino ang may-ari ng baril, na maaaring kinuha ng bata nang walang pahintulot.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Kaugnay nito, wala naman natamaan sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa lugar ang naturang estudyante.