Gov’t: Pagkain at hindi cash-aid ang ibibigay sa apektado ng granular lockdown

Walang matatanggap na cash-aid ang mga residente sa Metro Manila na sasailalim sa granular lockdown, sa halip ay makakatanggap ang mga ito ng food supplies mula sa gobyerno.

Ayon kay Palace spokesperson Harry Roque, responsibilidad ng mga local government units (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng mga supply na ito.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dagdag pa niya, may regular na programa naman ang DSWD sa pagtulong sa mga indibidwal tuwing may krisis.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Maaari rin umanong makatanggap ng cash assistance mula sa DSWD ang mga lugar na sasailalim sa lockdown para sa transportation at medical-related expenses.

Samantala, inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na nasa 2,000 hanggang 3,000 na pamilya ang isasailalim sa lockdown sa Metro Manila