OLONGAPO-Nagbibigay ngayon ng libreng sakay ang pamunuan ng Barangay Gordon Heights sa Olongapo.
Ito ay para hindi na gumastos ng pamasahe ang mga residente sa lugar na naka schedule na mabakunahan kontra corona virus.
Kahapon ay mahigit na isandaang mga residente ang inihatid ng libre ng barangay para dalhin sa vacination center.
Samantala ilan sa mga priority na ihatid sa vaccination center ay ang mga seniors at mga residenteng higit na nangangailangan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Bago at Progresibong Gordon Heights
