Inaasahan ng gobyerno na bibilis ang inokulasyon nito kontra COVID-19 upang maabot ang 54-milyong target nito na fully vaccinated na Pilipino.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na magagawa nila ito sa tulong ng one dose Janssen vaccine.
Matatandaan na isinagawa ng gobyerno ang second round ng national vaccination mula December 15 hanggang 17 sa mga lugar na hindi naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ipinunto naman ni Cabotaje na nakabalik na ang vaccination activities sa mga lugar na sinalanta ng bagyo kabilang na sa Region 5, Region 4B, Regions 6, 7, 8 at Caraga.
Ngayon ay target ng gobyerno na maiturok ang 7-milyong doses ng COVID-19 vaccine.
