Gobyerno, magpo-focus sa public-private partnerships sa paglikha ng mas maraming trabaho

Pinag-aaralan na ngayon ng administrasyong Marcos ang pagpapalakas sa public-private partnerships o PPPS sa iba’t ibang mga programa’t proyekto sa bansa.

Sa year-end report ng National Economic and Development Authority (NEDA), ipinunto rito ang pagfo-focus sa PPPs para sa mga infrastructure development ng Gobyerno.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa ganitong paraan aniya ay mas mapabibilis pa ang paglago ng ekonomiya at makalikikha pa ng mas maraming mga trabaho.

Maliban sa PPPs, sasama rin ang administrasyon sa ‘programmatic’ na Investment Coordination Committee (ICC) appraisal at programming ng mga major national projects sa susunod na taon.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, iniulat din ng NEDA na handa na sila para sa full-implementation Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.