Pumalo na sa halos 1 bilyong piso ang nagagastos ng pamahalaan dahil sa oil spill sa Mindoro dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Ito ang iniulat ni National Task Force on Oil Spill Management head at Office of Civil Defense administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Nasa 611 million pesos dito ay mula sa iba’t-ibang uri ng tulong na ipinaabot ng DSWD at iba pang concern agencies sa mga naapektuhan ng oil spill.

Mahigit 400 million naman aniya ang nagastos sa mga oeprasyon upang mapigilan ang mas malaking pinsala ng tumagas na langis.
Hindi pa akasama rito ang pinsala sa kapaligiran na ayon kay Nepomuceno, mahirap pang kwentahin sa ngayon.
Ayon naman sa DSWD, nagpapatuloy ang pagbibigay ng ayuda at cash for work sa mga apektadong residente sa Regions 4A, Mimaropa at Region 6.