Go, tiniyak na ang mas pinaigting na vaccination rollout ay makakatulong para lalong pang buksan ang ekonomiya para tugunan ang tumataas na bilang ng unemployed Filipinos

Maingat na pinag-aaralan ngayon ng gobyerno at benabalanse ang kanilang quarantine policies para protektahan ang buhay mula sa COVID-19, habang pinagaganda ang sitwasyon ng ekonomiya, sa gitna na pumalo na sa 4.14-M ang unemployed Filipinos noong Abril. 

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kapag  nagbukas naman, maaalagaan ang ekonomiya, marami na naman ang trabaho, at muling sisigla ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Binigyang diin ni Go na ang bagong expansion sa national vaccination program sa mga essential workers o sa A4 priority group, ay magbibigay daan sa gobyerno pagdating sa pagbalanse sa kalusugan at ekonomiya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

“Kaya nga po nasa priority list na po ngayon ‘yung mga economic workers o essential workers at economic frontliners,” saad ni Go.

“Sila po ‘yung binabakunahan ngayon kasi sila po ‘yung kailangang magtrabaho at kailangang lumabas,” dagdag pa nito.