Go, suportado ang desisyon ni PRRD para suspendihin ng 6 pang buwan ang abrogation sa PH-US VFA

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang abrogation ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas sa United States of America ng anim pang buwan.

Ayon kay Go, bilang chief architect ng foreign policy ng Pilipinas, may prerogative si Duterte na gawin ang naturang desisyon para sa bansa na isang “sovereign at independent country”.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Binigyang diin rin nito ang kahalagahan ng pagpapakita ng respeto para sa sovereign equality at ang alyansa ay dapat ring nangangahulugan na pagtrato sa bawat isa bilang partners.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dagdag ng senador, bilang nasa gitna ang mundo sa COVID-19 pandemic, binabalanse lang ni Duterte ang lahat, at inuuna umano nito ang interes ng bawat Pilipino, at interes ng bayan.

Nabanggit rin ni Go na hindi naman minamadali ang pagterminate sa VFA sa ngayon.