Wagi ang Barangay Ginebra San Miguel sa score na 106-92 kontra sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng kanilang best-of-seven finals series sa PBA Season 49 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Naitabla ng Ginebra ang serye sa pangunguna nina Justine Brownlee at Stephen Holt.

Bumalik ang shooting touch ni Brownlee mula sa long distance kung saan nakakuha siya ng 34 points habang ang Filipino-American guard na si Holt ay nakakuha ng 18 points.
Maghaharap muli ang dalawang koponan para kanilang sa Game 5 sa Miyerkules, November 6. sa Araneta Coliseum.