Hindi nag-alangan ang aktor na si Gerald Anderson na sumagot nang siya ay matanong kung kinokonsidera na niya si Julia Barretto bilang babae na kaniyang pakakasalan.
Natanong ang aktor tungkol sa estado ng kaniyang relasyon kay Julia sa isang virtual interview kasama si Boy Abunda.
Sinabi ni Anderson bilang sagot sa tanong, “she’s the one”.
Bagamat naging positibo ang tugon ni Gerald sa tanong kung nais niya bang pakasalan si Julia, ay una niyang sinabi na bata pa ang aktres at nanatili pa itong aktibo sa showbiz.

Binigyang diin ni Gerald na marami pang pwedeng maiambag sa industriya si Julia, at ayaw niyang maging hadlang rito.
Anya, kung siya lang ay masusunod ay gusto na niyang makasal kay Julia, ngunit hindi pa pwede dahil hindi pa sila nakaka- “quota”.
Mababatid na 32-anyos na si Anderson, habang si Barretto naman ay 24-anyos.