Inanunsyo na ng Olongapo Electricity and Distribution Company ang pagtaas ng Generation Charge ngayong buwan ng Marso.
Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline at coal sa world market na dahilan para tumaas rin ang generation cost.
Payo naman ng OEDC sa mga consumers na maging masinop at magtipid sa paggamit ng kuryente.
Lalo na ngayong palapit na ang summer at inaasahang ang mas madalas na paggamit ng mga appliances.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
