Gastusin sa gamot ng mga dialysis patients ng Masinloc Zambales, planong sagutin ng munisipyo

Balak ng Local Government Unit ng Masinloc, Zambales na ilibre maging ang gastusin sa gamot ng mga dialysis patients sa bayan.

Ito ay maliban pa sa kasalukuyang libre ang pagpapagamot sa tulong ng isang kompanya na kakontrata ng municipal government.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Ayon kay Mayor Arsenia Lim, kasama sa popondohan ng LGU sa susunod na taon ang alokasyon para sa mga kakailanganing gamot sa labas ng treatment center na isa sa nagpapahirap sa mga kaanak ng pasyente.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Ang planong ito ay isa lamang sa mga planong iprayoridad ng munisipyo para sa 2023 budget.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO