Garbage collection ng CENRO Sorsogon, mas paiigtingin sa posibleng pagtaas ng volume ng basura ngayong holiday season

Nakahanda ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa posibleng pagtaas ng volume ng basura dahil sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Sa panayam ng Brigada News kay Engr. Franz Luigi Lugena Supervising Environmental Management Specialist, sinabi nito na dahil sa mga economic activities dahil sa holiday season ay mas lalo pa nilang paiigtingin ang garbage collection.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Tiniyak din nito na walang maaantalang truck ng basura upang masiguro aniya na malinis parin ang lungsod at walang mga basurang matatambak.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pagkumpirma ng opisyal, bukod sa sampung truck ng CENRO na araw-araw na nag-iikot sa buong lungsod ay mayroon ding mga nakatalagang street sweepers sa mga thoroughfares at sidewalks at karagdagang manpower na nagsasagawa ng daily clean-up.