Gapan Church – pinroklama bilang minor basilica

Pormal nang idineklara bilang minor basilica ang isang siglong gulang na simbahan na matatagpuan sa makasaysayang lungsod ng Gapan.

Ipinagdiwang ng Diocese of Cabanatuan ang bagong katayuan ng simbahan sa pamamagitan ng misa na pinangunahan ni Archbishop Charles Brown.

Nasa dalawampung obispo ang nakiisa sa selebrasyon kasama ang higit 200 na mananampalataya sa gitna ng init at maalinsangang panahon.

Ang dambana ay kilala bilang Three Kings Parish na itinayo noong ikalabing-anim na siglo nang ito ay itinatag ng mga misyonerong Augustinian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *