Fully-vaccinated vs. COVID-19 sa CALABARZON, nasa mahigit 900,000 na – DOH-4A

Umaabot na sa mahigit 900,000 na indibidwal ang fully vaccinated na o nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH-4A, nasa kabuuang 922,875 na indibidwal mula A1 hanggang A5 priority list ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna kontra covid-19.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang mga senior citizens o A2 category ang pinakamarami sa nakakumpleto na ng covid-19 vaccine na umabot sa 844,485.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Naturukan naman na ng unang dose ng bakuna ang halos 1.6 milyong katao sa naturang rehiyon.

Sa kabuuan ay mahigit 2.5 milyon na ang nabakunahan sa CALABARZON Region, ito ay kombinasyon ng nakatanggap ng first at second dose.