Kinumpirma ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na nag-request na rin ito ng ‘fraud audit’ hinggil pa rin sa ma-anomalyang pagbili ng mga overpriced at outdated na laptops ng PS-DBM para sa mga guro sa DepEd.
Ayon kay Duterte, sumulat na sila sa Commission on Audit para siyasatin ang P2.4Billion deal na ito.
Sa ganitong paraan aniya, makabubuo rin ang DepEd ng konkretong plano nito base sa magiging audit report ng COA.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na kumpyansa itong mabilis na mailalabas ang resulta ng audit froad.
Tiniyak din nito na magkakaroon ng ‘two-pronged’ approach hingigl sa isyu kabilang na ang pagtukoy at evaulation sa mga laptop ng mga teachers, habang aalamin naman kung covered pa ba ng warranty ang mga ito.
Bago ito, una nanng kinumpirma ng Senate Blue Ribbon Commitee na magdadaos ng imbestigasyon hinggil sa kontrobersya ng PS-DBM sa susunod na linggo, araw ng Miyerkules.
#