Handa si forensic pathologist Raquel Fortun na depensahan ang kanyang findings sa otopsiya na kanyang ginawa sa bangkay ng umano’y middleman na dawit sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.
Mababatid na ang resulta sa re-autopsy na isinagawa ni Fortun sa bangkay ni Jun Villamor na inilabas noong Oct. 29, lumalabas na may history ito ng asphyxia.
Ayon sa naturang eksperto, na may impormasyon kaugnay sa takot ni Villamor para sa kanyang buhay ilang araw bago ang pagkamatay nito, at sinabing nasawi ito dahil sa suffocation sa pamamagitan ng plastic bag na ipinangtakip sa kanyang mukha.
Giit ni Fortun, na batay sa available information kaugnay sa circumstances na nakapalibot sa pagkasawi nito, na ang paraan ng pagkamatay ay homicide.
Samantala, batay sa procedure na kanyang ginawa, walang nakita ang forensic pathologist na anumang external signs na maaring dahilan ng pagkamatay ng middleman, pero binigyang diin nito na may nakita siyang hemorrhages sa mga baga.
