Former DILG Usec Martin Diño, pumanaw na

Pumanaw na si dating Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño.

Kung maaalala ay dati nang inanunsyo ng anak ni Diño na si former Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño-Seguerra ang pakikipaglaban ng kanyang ama sa Stage 4 cancer.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ibinahagi rin nito na ang pagkakasakit ng kanyang ama ay naging isang malaking hamon para sa kanilang pamilya.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Samantala, dumagsa naman ang pakikiramay sa pamilya-Diño sa social media, matapos kumpirmahin ni Liza ang pagpanaw ng kanyang ama.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ng dating Usec hinggil sa funeral arrangements. Photo from: Liza Diño-Seguerra