LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng formation, accounting at inspection ang Albay Police Provincial Office (PPO) sa kanilang mga tauhan upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagbibigay-serbisyo sa publiko ngayong yuletide season.
Pinangunahan ito ni Provincial Director PCol. Fernando L. Cunanan, Jr. sa Tennis Court, Albay PPO, Camp Captain Salvador, Jaucian Del Rosario Sr., Brgy. Sta. Cruz, Ligao City.
Personal na sinuri ni Cunanan ang physical attendance ng lahat ng tauhan at binigyang-diin ang mga katangiang nais ni PNP Bicol Regional Director PBGeb. Andre P. Dizon sa bawat kapulisan.
Isa na rito ang pagiging approachable, presentable at dependable ang mga kapulisan na kayang magbigay ng patnubay sa Ligtas Paskuhan at iba pang pampublikong kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa lalawigan upang matiyak ang pagkamit ng mga misyon at layunin ng PNP.