First 1,000 days, lubhang mahalaga kapwa sa nanay at sanggol – PNC

Binigyang diin ng pamunuan ng Sorsogon Provincial Nutrition Council (PNC) na napakahalaga ng programang first 1,000 days kapwa sa nanay at  kanyang anak.

Ayon kay PNC head Grace Jardin, paraan kasi ito upang masigurong talagang maaalagaan ang mag-ina at maibibigay sa kanila ang tamang nutrisyon na kanilang kinakailangan.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Aniya, importante kasi na sa simula pa lamang ng pagbubuntis ng isang nanay ay naaalagaan na ito at naibibigay na sa kanya at sa kanyang anak ang nararapat na mga nutrisyon na kanilang kailangan upang maiwasan ang mababang timbang ng sanggol kapag ipinanganak.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Paliwanag ng opisyal, matagal kasing makarekober at magkaroon ng normal na nutritional status ang isang bata na low birth weight, kung saan dapat umano na bago magdalawang taon ang bata ay nasa normal na ang kanyang nutritional status  upang hindi siya mapabilang sa wasting, stunting o underweight.