‘Findings ng ICC prosecutor, nagbibigay ng pag-asa sa mga nagluluksa na pamilya’

Tinawag ng dating United Nations special raporteur bilang “moment of hope” ang request ng International Criminal Court prosecutor  na mabigyan ito ng otoridad na imbestigahan ang mga patayan sa Pilipinas.

Inihayag ito ni Amnesty International secretary general Agnes Callamard matapos sabihin ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na meron itong sapat na basehan para paniwalaan na meron crime against humanity at murder ang nangyari sa Pilipinas sa pagitan ng July 1, 2016 at March 16,  2019.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Binigyang diin ni Callamard na moment of hope ito para sa libo-libong mga Pamilya na nagluluksa dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay mula sa war on drugs ng gobyerno.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Iginiit ni Callamard na ito na ang pinakahihintay na katapusan kung saan ay inaasahang matitigil ang tinatawag bilang “murderous incitement” ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon nito.

Matatandaan noong Lunes ay hiniling ni Bensouda sa mga judges na magbukas ng full investigation kaugnay sa drug war killings ng Pilipinas.