Pumanaw na ang Filipino novelist at aktibistang si Lualhati Bautista sa edad na 77.
Kilala si Bautista sa kanyang mga gawang Dekada ’70 at Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa.
Read More: Lea Salonga set to return to the stage in “Ang Tahanan ni Bernarda Alba” in February 2027
Ang balita ay kinumpirma ng pinsan ni Lualhati na si Sonny Rose Samonte, sa isang post sa Facebook.

Si Bautista ay isang award-winning na novelista na kilala sa kanyang mga gawa na nagsasalaysay ng aktibismo ng kababaihan at lumalaban sa mga kawalang-katarungan noong panahon ng Martial Law. Kabilang sa kanyang iba pang mga tanyag na gawa ay ang GAPÖ, In Sisterhood, at Desaparesidos.//CA