FIFA WORLD CUP: England pasok na sa quarterfinals matapos talunin ang Senegal, 3-0

Binaon ng football powerhouse na England ang Senegal sa Round of 16 ng nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar sa score na 3-0.

Tatlong magkakasunod na goal ang pinakawalan ni Jordan Henderson sa 38th minute mark at Harry Kane at Bukayo Saka sa 45th at 57th minute mark ng laban.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dahil dito ang England ang ika-apat na team na aabanse sa quarter-finals kung saan nauna na ang Netherlands, Argentina at France.

Samantala mamayang gabi sasabak naman ang dalawang natitirang Asian countries sa Round of 16.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Makakalaban ng Japan ang team ng Croatia habang ang South Korea ay susubukan ma-upset ang koponan ng Brazil na kasalukuyang number one sa FIFA ranking.