Face-to-face classes sa mga paaralan sa Naga City hindi nahadalangan ng masungit na panahon kahapon

NAGA CITY – Hindi naging hadlang ang malakas na ulan kahapon sa pagsisimula ng face to face classes sa Naga City.

Sa gitna ng ulan, natuloy din ang inaasam na face to face classes na matagal pinaghandaan ng mga magulang, mga estudyante at lalo na ng mga guro.

Ang mga bata ay masayang pumasok sa kanya-kanya nilang classrooms na may face mask alinsunod na rin sa health protocol.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Bagamat inabot ng hanggang gabi ang pag uulan, wala namang naiulat na pagkakaroon ng baha sa mga paaralan kaya wala ring nangyaring suspension of classes.

Kinumpirma ito ng ilang mga barangay opisyal na nakapanayam ng Brigada News FM Naga, tulad nina Triangulo Punong Barangay Allan Beriso at Concepcion Grande Punong Barangay Michael Oliva.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa pahayag ni Beriso, sinabi nitong malaking tulong ang bagong drainage canal sa kanilang barangay na diretso sa Naga river ang tubig, kaya walang nangyaring pagbabaha sa kanilang barangay.

Ayun naman kay Oliva, hindi lang ulan ang pilit humahadlang sa pagbubukas ng klase kahapon, kundi ang mabigat na daloy ng trapiko sa kanilang lugar.