Extension ng suspension ng VFA abrogation, welcome sa DND

Suportado ng Department of National Defense (DND) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ng karagdagang anim na buwan ang suspension ng kanselasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa US.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa pamamagitan ng karagdagang anim na buwan, mare-review ng DND ang pros at cons ng VFA.

Aniya, ang bilateral cooperation ng Pilipinas sa US ay patungo sa pagsusulong ng national interest at para i-enhance ang defense capability ng bansa. 

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Mababatid na inanunsyo kahapon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nagdesisyon si pangulong Duterte na suspendihin ang termination ng nasabing security pact sa halip na i-renew ito para mapag-aralan ng dalawang panig at tugunan ang mga concerns kaugnay ng ilang mga aspeto ng nasabing agreement.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kung matatandaan, noong June 2020, ipinaalam ng Pilipinas sa Amerika na susupendihin ng anim na buwan ag termination ng VFA.

At noong November 2020, pinalawig ng pangulo ng anim na buwan ang suspension ng VFA abrogation sa gitna ng tensyon sa South China Sea. 

Habang noong December 2020 naman, nagbanta ang rpesidente na ite-terminate ang VFA kung di makapagbigay ang US ng 20 milyong COVID-19 vaccine doses.