Ex-Mandaluyong Police chief na nag-positibo sa iligal na droga – umalma

Hinamon ni NCRPO Director PBGen Melencio Nartatez, si dating Mandaluyong Police Chief Col. Cesar Gerente na sumailalim sa hair drug testing para patunayan na hindi s’ya gumagamit ng iligal na droga.

Ito ay matapos ang negatibong drug test result sa PDEA at NBI ni Gerente.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Alibi lamang umano ang pag-negatibo sa drug test sa PDEA at NBI ni Gerente gamit ang ibang urine sample.

Nauna nang pinanindigan ng PNP ang “accuracy” ng mga drug test na kanilang isinasagawa.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Sinabi ni PNP Forensic Group Director Police BGen Constancio Chinayog na tanging urine sample na ginamit sa drug test ng PNP ang kanila lang kinikilala.

Gayunman, welcome naman sa kanila ang pag-challenge ni Gerente sa confirmatory drug test ng PNP.