Ex-cong. Teves – malabo raw mabigyan ng special treatment sa Timor Leste ayon sa kampo nito

Nanindigan ang kampo ni dating rep. Arnie Teves na malabo naman itong mabigyan ng special treatment sa Timor Leste.

Kasunod ito ng ginawang request ng Department of Justice (DOJ) na extradition, ‘o deportation para makabalik na ng bansa si Teves, dahil sa ‘di umano’y tangkang panunuhol ng kaniyang anak para bigyan ito ng special treatment.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na masiyadong mahigpit ang Gobyerno at mga otoridad ng Timor Leste.

Maging sila nga raw mga abugado ay hinihigpitan – kaya malabong paburan ang special agreement para sa dating mambabatas.

Sa huli – binatikos ni Topacio ang ginawang hakbang ng DOJ na ‘di umano’y pagre-release ng balitang hindi pa naman daw verified.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *