Estudyante, Dead on Arrival matapos malunod sa Mantigbi Beach ng Vinzons, Camarines Norte

VINZONS, CAMARINES NORTE- Dead on arrival  ng dalhin sa Panlalawigan pagamutan ang isang estudyante matapos na malunod sa Mantigbi Beach, Brgy. Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte bandang alas 6:12 ng umaga nitong sabado (May 01, 2021)

Batay sa report ng pulisya, ang biktima ay isang 13 anyos na lalaki, itinago sa pangalang “Enzo”, residente ng bayan ng Vinzons, Camarines Norte.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang pamilya at ilang kabataang kaibigan sa Mantigbi Beach para mag picnic

Sa di inaasahang pangyayari, habang naliligo sa beach ang biktima ay inanod ito ng malakas na alon patungo sa malalim na bahagi ng karagatan at di na magawang makaahon, Sinubukang sagipin ito ng apat (4) na kalalakihan na nasa lugar at nadala pa sa tabing dagat,

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ilang minuto lamang dumating na din ang MDRRMO Vinzons at isinugod sa Panlalawigang pagamutan subalit idineklara na itong wala ng buhay ng sumuring doktor